^

2 holdaper patay sa shootout

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2015 - 12:00am

Cavite, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na holdaper ng mga pampasaherong sasakyan ang napaslang matapos na kumasa sa mga operatiba ng pulisya  sa naganap na shootout sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo highway, Brgy. Lalaan 1, Silang, Ca­vite kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO3 Robert Dimailig, imbestigador sa kaso, kasalukuyan pang ina­alam ang pagkaka­kilanlan sa mga suspek matapos na walang makitang identification card sa bangkay ng mga ito.

Bandang alas-9:30 ng gabi habang sakay ang mga pasahero ng isang jeepney nang magdeklara ng holdap ang mga suspek.

Isa-isang kinulimbat ng mga suspek ang pera, alahas­, cell phone  at iba pang gamit ng mga pasaherong sina Rosalie Ambat, 49; Anvrian Po-an, 20, Decelyn Cabrera, 39, Bibiano Ambat, 50, driver ng jeepney at iba pa.

Isa naman sa mga pasahero na nagawang maitago ang cell phone ang palihim na nag-text at humingi ng tulong bunsod upang maglatag ng checkpopint ang Silang Police na sinundan ang jeepney pero mabilis na bumaba ang mga suspek at tumakbo na hinabol naman ng mga awtoridad.

Nang malapit ng ma­sukol ang mga suspek ay agad ang mga itong nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout na ikinasawi ng mga ito.

Narekober mula sa bangkay ng mga suspek ang dalawang cal 38 revol­ver na kargado ng bala at ilang piraso ng ebidensya.

ANVRIAN PO BIBIANO AMBAT DECELYN CABRERA EMILIO AGUINALDO ISA ROBERT DIMAILIG ROSALIE AMBAT SILANG POLICE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with