Misis nanlaban sa rapist na bayaw, kinatay
Raymund Ca­tindig (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2015 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 26-anyos na misis na sinasabing tinangkang halayin su­balit nanlaban matapos itong pagsasaksakin ng kanyang bayaw na magsasaka sa Barangay Capalallian, bayan ng Pamplona, Cagayan kamakalawa. ?

Walong saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Rodesa Requilman, tubong Daet Camarines Norte at nakatira sa nabanggit na barangay.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Rey Noul na sinasabing utol ng ka-live-in ng biktima.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Mario Tuliao, hepe ng Pamplona PNP; natagpuang naliligo sa sairiling dugo ang biktima kaya dumulog sa himpilan ng pulisya ang ka-live-in na si Narciso.

Bago maganap ang krimen, tumakas si Narciso upang humingi ng tulong sa pulisya matapos silang sugurin ng suspek na lango sa alak.?

Pinaniniwalaang pinagtangkaang gahasain ng suspek ang biktima su­balit nanlaban ito.?

BARANGAY CAPALALLIAN DAET CAMARINES NORTE MARIO TULIAO NARCISO PAMPLONA PINAGHAHANAP REY NOUL RODESA REQUILMAN SENIOR INSP
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with