Pintor grinipuhan ng sekyu, dedo
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2015 - 12:00am

BULACAN, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 36-anyos na pintor matapos itong sasakin ng senglot na sekyu sa naganap na kaguluhan sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa napuruhan sa tiyan ang biktimang si Ariston Acuña habang nasakote naman ang suspek na si Diego Grama, 39, ng San Jose Heights sa nasabing barangay. Sugatan naman sina Antonio Ferrer, Rolly Damaso at Richard Roxas na kasalukuyang nasa ospital. Ayon kay PO2 Marlon Matus, magkasamang nag-iinuman ng alak sina Damaso at Grama nang komprontahin nina Acuña at Ferrer kaugnay sa matagal ng alitan sa pagitan ng anak ni Ferrer at ng suspek. Dito na sumiklab ang kaguluhan hanggang sa mapatay ang biktima.

ACU ANTONIO FERRER ARISTON ACU BARANGAY MUZON DIEGO GRAMA MARLON MATUS RICHARD ROXAS ROLLY DAMASO SAN JOSE DEL MONTE CITY SAN JOSE HEIGHTS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with