Tauhan sa sabungan, itinumba
Cristina Go Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2014 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakikilalang suspek ang 49-anyos na staff ng isang sabungan habang ito ay naglalakad sa kahabaan ng Green Valley, Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Samuel Suarez Sr.,  alyas Hakem, 49, cockpit staff at residente ng Latero Green Valley, Brgy. Molino 3 ng nasabing lunsod. Wala namang matukoy na suspek ang pulisya.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Legaspi, alas-8:45 ng gabi ng maganap ang insidente, habang mag-isang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang dikitan ito ng armadong suspek at dito pinagbabaril habang nakatalikod. Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis na tumakas ang nasabing suspek.

Dalawang bala ang bumaon sa likod ng biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito, wala namang narekober na mga fired cartridge ang pulisya sa pinangyarihan ng krimen. Kasalukuyan ng nagsasagawa ng follow -up ang pulisya, hinggil sa nasabing insidente.

BACOOR CITY BRGY CAVITE DALAWANG DUGUANG GREEN VALLEY LATERO GREEN VALLEY MICHAEL LEGASPI MOLINO SAMUEL SUAREZ SR.
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with