_ngayon
^

Mister itinumba ng NPA rebels

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY , ALBAY, Philippines – Isang magsasaka na pinaghinalaang asset ng militar at pulisya ang walang awang pinagbababaril ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army ( NPA ) matapos na dukutin sa Brgy. Rizal, Monreal, Masbate kahapon ng umaga.

Ang biktimang kinilalang si Carino Ligues, 36-anyos, isang magsasaka ay tadtad ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na residente ng Brgy. Maglambong ng nasa­bing bayan.

Sa report ng pulisya, bandang alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang dugu­ang bangkay ng biktima na nakagapos ang mga kamay sa nasabing lugar.

Nabatid na ang biktima ay matagal ng pinaghihinalaang asset ng militar at pulisya na siyang sinisilip na motibo ng krimen.

BRGY CARINO LIGUES ISANG MAGLAMBONG MASBATE MONREAL NABATID NEW PEOPLE RIZAL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with