^

Motorsiklo sumalpok sa trak, driver utas

Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2014 - 12:00am

CAMARINES NORTE, Philippines  - Patay ang isang 37-anyos na lalaki makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo habang bumabagtas sa isang intersection sa Municipal road ng Brgy. Balaogan, Bula, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Raul Santiano, may-asawa, residente ng Zone 5 ng nasabing barangay dahil sa lakas ng pagkakasalpok sa isang Isuzu Elf truck na minamaneho ni Bernardino Seva, 51, may-asawa ng Brgy. San Roque, Iriga City.

Sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga, kung saan sakay ng itim na motorsiklo ang biktima nang bigla nitong makasalubong sa naturang intersection ang trak.

Napag alaman na walang lisensya ang biktima ng maganap ang insidente habang ang drayber ng trak ay boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.

BALAOGAN BERNARDINO SEVA BRGY BULA CAMARINES SUR IRIGA CITY ISUZU ELF NAGTAMO RAUL SANTIANO SAN ROQUE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with