_ngayon
^

Probinsiya

Amok sa kampo: 2 pulis tumba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pulis ang napatay habang dalawa naman ang nasugatan sa naganap na amok sa loob ng Camp Alejandro Suarez, bayan ng Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Supt. Joselito Salido, kinilala ang dalawang pulis na sina P02 Alano Julwahid, duty sentinel; at PO1 Mario Tobias.

Sugatan naman sina PO1 Bee Gubat at SPO4 Nurulla Kamaluddin na kapwa isinugod sa pagamutan sa Zamboanga City.

Ayon sa imbestigasyon, galit na nagtungo si PO1 Tobias sa nasabing kampo na may hinahanap na opis­yal ng pulisya na pinaghihinalaan nitong nagmaniobra para siya mailipat sa Regional Public Safety Battalion sa Sulu Provincial Police Office.

Galit at nagmumurang  umalis si PO1 Tobias matapos na pigilan ng duty sentinel na si PO2 Julwahid.

Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si PO1 Tobias  na may bitbit na M16 rifle na agad pinagbabaril si Julwahid habang pumasok din ito sa loob ng kampo kung saan ay muling namaril na ikinasugat naman nina PO1 Gubat at SPO4 Kama­luddin.

Sa halip na sumuko ay namaril pa si PO1 Tobias kung saan mabuti na lamang  na walang tinamaan sa mga operatiba ng pulisya na rumesponde kaya napilitan ang arresting  team na barilin ito. Joy Cantos

ALANO JULWAHID BEE GUBAT CAMP ALEJANDRO SUAREZ JOSELITO SALIDO JOY CANTOS JULWAHID MARIO TOBIAS NURULLA KAMALUDDIN PO1 TOBIAS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with