Gun-for-hire dedo sa shootout
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang isang miyembro ng gun-for-hire gang matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Sitio Malobago, Barangay Buga sa bayan ng Libon, Albay kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Ramson Concepcion, miyembro ng Concepcion robbery/hold-up gang na pinamumunuan ng kanyang utol na si Gilbert Concepcion at residente sa Barangay Molosbolos. Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Marlo Meneses, si Ramson ay may warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Mamerto M. Buban ng Tabaco City Regional Trial Court Branch 18 at walang kaukulang piyansa. Sa tala ng pulisya, si Ramson ay isinasangkot sa pagpatay kay Engr. Morales na sinasabing kumandidato sa mayoralty race sa bayan ng Malinao, Albay noong nakalipas na eleksyon. Ed Casulla

ALBAY BARANGAY BUGA BARANGAY MOLOSBOLOS ED CASULLA GILBERT CONCEPCION JUDGE MAMERTO M MARLO MENESES RAMSON CONCEPCION SENIOR SUPT SITIO MALOBAGO TABACO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with