Pasahero tumalon mula sa barko
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matin­ding depresyon ang nagtulak sa 20-anyos na pasahero na magpatiwakal matapos itong tumalon mula sa sinasakyang barko sa karagatan ng bayan ng Baleno, Masbate kamaka­lawa ng tanghali.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang namatay na si Aljun Padera ng Palanas, Masbate.

Bandang alas-11:41 ng umaga nang lumun­dag ang biktima  mula sa sinasakyang Elavil Bus Corp na nakalulan sa M/V King Frederick (roro vessel) sa karagatan ng Sitio Bagabawug sa Brgy. Magdalena.

Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga tripulante kung saan may ilang oras din pinag­hahanap ay narekober din ang bangkay ng biktima.

Sa tala ng pulisya, ang biktima ay ika-13 sa mga pasaherong tumatalon sa barko bunga ng hindi makayanang problema.

 

ALJUN PADERA BALENO BANDANG BRGY CAMP CRAME ELAVIL BUS CORP MASBATE SITIO BAGABAWUG V KING FREDERICK
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with