^

Probinsiya

Babae binoga sa harap ng RTC, kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  – Agaw-buhay ang isang mestiza matapos itong barilin sa ulo ng di-kilalang motorcycle rider sa harap ng regional trial court sa Barangay Tabing Dagat, Bacoor City, Cavite kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Rommel Estolano, hepe ng Bacoor City PNP ang biktima na si Angelita Grive ng Portofino Heights, Barangay Molino III sa nabanggit na lungsod.

Ang biktima ay patuloy na isinasalba ang buhay sa Crisostomo General Hospital sa Bacoor City sanhi ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo.

Base sa police report, papatawid ang biktima sa Evangelista Highway malapit sa St. Michael Church nang biglang sumulpot ang gunman na lulan ng kulay pulang motorsiklo na walang plaka. Napag-alamang dadalo sa court hearing ang biktima nang barilin sa gitna ng kalsada sa harap ng RTC.

Kasalukuyan pang na­ngangalap ng impormas­yon ang pulisya kaugnay sa naganap na pamamaril habang hindi naman makausap ang kasamang babae ng biktima dahil sa pagkabigla ng insidente. Dagdag ulat Joy Cantos

ANGELITA GRIVE

BACOOR CITY

BARANGAY MOLINO

BARANGAY TABING DAGAT

CRISOSTOMO GENERAL HOSPITAL

EVANGELISTA HIGHWAY

JOY CANTOS

PORTOFINO HEIGHTS

ROMMEL ESTOLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with