^

Probinsiya

Natakot sa dialysis, nagbaril sa ulo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo ang isang 56-anyos na biyudo makaraang malaman na sasailalim siya sa dialysis sanhi ng kanyang sakit kamakalawa ng tanghali sa Governor Yanza Street, Capistrano Subdivision, Brgy. Mateuna sa lungsod na ito.

Isang tama ng bala ng kalibre 45 ang tumapos sa buhay ni Armingol Mabilin na umanoy may sakit na diabetes. Ayon sa pulisya, dakong alas-11:30 ng tanghali ay isang malakas na putok ng baril ang narinig ni Eladia, ina ng biktima buhat sa kuwarto nito at nang buksan nila ang pintuan ay tumambad ang duguang biktima na hawak pa ang baril na ginamit sa pagpapatiwakal.

Bago ang insidente, sinabihan umano ang biktima ng isang doktor na sasailalim siya sa dialysis subalit ayaw nito hanggang sa magsimulang ma-depress at magkulong sa kanyang kuwarto.

Nagulat na lamang ang kanyang pamilya nang makarinig sila ng putok ng baril at nakitang nakabulagta at duguan ang biktima.

ARMINGOL MABILIN

AYON

BRGY

CAPISTRANO SUBDIVISION

ELADIA

GOVERNOR YANZA STREET

ISANG

KUSANG

MATEUNA

NAGULAT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with