4 holdaper sumalakay sa gasolinahan
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2014 - 12:00am

CEBU CITY, Philippines – Kahit bantay-sarado ang mga operatiba ng pulisya sa pagdaraos ng All Saints’ Day, nakalusot ang apat na kalalakihang nakapangholdap ng gasoline station sa kahabaan ng N. Bacalso Avenue sa Barangay San Nicolas Proper, Cebu City, Cebu kamakalawa.

Base sa police report, apat na kalalakihan na lulan ng dalawang motorsiklo ang nakatangay ng P4,800 mula sa Vhenz Petron Gasoline Station na kanilang hinoldap bandang alauna y medya ng madaling araw.

Napag-alamang nagpanggap ang apat na magpapagasolina nang lapitan at tutukan ng baril ang kaherang si Mary Ann Cabales at ang security guard na si Antonio Caray kung saan tinangay pa ng mga holdaper ang cal. 38 revolver ng sekyu.

Hindi na inabutan ng pangkat ni PO3 Joseph Victorioso ang mga holdaper matapos makatanggap ng impormasyong may nagaganap na holdapan sa nasabing gasolinahan.

Siniguro naman ni Cebu City PNP director P/Senior Superintendent Noli Romana na masasakote nila ang mga holdaper sa lalong madaling panahon. – Freeman News Service

ALL SAINTS ANTONIO CARAY BACALSO AVENUE BARANGAY SAN NICOLAS PROPER CEBU CITY FREEMAN NEWS SERVICE JOSEPH VICTORIOSO MARY ANN CABALES SENIOR SUPERINTENDENT NOLI ROMANA VHENZ PETRON GASOLINE STATION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with