Mister tinodas sa harap ng anak
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang mister matapos na pagbabarilin sa harapan ng kanyang 8 taong gulang na anak  kamakalawa ng gabi sa Purok 5 , Barangay Morera, Guinobatan, Albay.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Guriba, 41-anyos, may-asawa, dead on arrival sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital.

Pakay naman ng pagtugis ng mga awtoridad ang natukoy na  suspek na si Jesus Orogo alyas Ogot, nasa hustong gulang at contractual employee ng Bicol University sa Guinobatan ng lalawigan.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:15 ng gabi habang ang biktima kasama ang 8-anyos nitong anak na lalaki ay naglalakad pauwi sa kanilang tahanan nang masalubong ang suspek. Agad na pinagbabaril ng suspek ang biktima gamit ang cal.45 pistol habang masuwerte namang nakaligtas ang anak nito. Ed Casulla

 

ALBAY BARANGAY MORERA BATAY BICOL UNIVERSITY ED CASULLA GUINOBATAN JESUS OROGO JONATHAN GURIBA JOSEFINA BELMONTE DURAN MEMORIAL HOSPITAL KINILALA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with