^

Chairman, 5 tanod tiklo sa arms cache

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2014 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng barangay chairman at lima nitong barangay tanod matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa pag-iingat ng mga armas at bala sa Barangay Pulot, bayan ng Lagayan, Abra kahapon.?

Pormal na kinasuhan ng pulisya si Chairman Leonardo Donato at ang kanyang mga barangay tanod na sina Joy Bersamire, Joven Donato Sindon, Rey Talosa Atayde, Rodolfo Concepcion at si Boling Donato.?

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge? Renato Pinlac ng Abra Regional Trial Court Branch 25, nasamsam sa suspek ang tatlong M16 Armalite rifles, tatlong cal.45 pistol, M14 rifle,12 gauge shotgun, cal. 38 revolver at libong bala ng mga baril.

Sa pahayag ni  Abra PNP Director P/Senior Supt. Albertlito Garcia, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bahagi ng operasyon laban sa mga notoryus na private armed groups sa nasabing lalawigan.

ABRA ABRA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH ALBERTLITO GARCIA BARANGAY PULOT BOLING DONATO CHAIRMAN LEONARDO DONATO DIRECTOR P JOVEN DONATO SINDON JOY BERSAMIRE RENATO PINLAC REY TALOSA ATAYDE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with