Pinaslang na transgender sa Olongapo ililibing ngayong araw
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2014 - 10:51am

MANILA, Philippines - Ililibing na ngayong hapon ang transgender na si Jeffrey "Jennifer" Laude na umano'y pinaslang ng isang Amerikanong sundalo sa isang motel sa Olongapo City.

Magsisimula ang necrological service para kay Laude bandang 2 p.m. sa Columban Church sa West Pinlac, Olongapo City.

Bukod sa mga kapamilya at kaibigan, inaasahan ding dadalo sa necrological service ang Aleman na nobyo ni Laude na si Marc Sueselbeck, na may posibilidad na masipa palabas ng bansa dahil sa pagliban niya sa bakod ng kampo ng Armed Forces of the Philippine sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong isang araw.

Tinangka ni Sueselbeck na pasukin ang compound kung saan pansamantalang nakakulong si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton, ang sundalong umano'y pumaslang sa kanyang nobya.

Ililibing si Laude sa Heritage Memorial Park sa naturan ding siyudad.

ALEMAN ARMED FORCES OF THE PHILIPPINE CAMP AGUINALDO COLUMBAN CHURCH HERITAGE MEMORIAL PARK ILILIBING MARC SUESELBECK MARINE PRIVATE FIRST CLASS JOSEPH SCOTT PEMBERTON OLONGAPO CITY QUEZON CITY WEST PINLAC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with