_ngayon
^

Buntis sinaksak ng ka-live-in, grabe

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kalagayan ang anim na buwang buntis na misis makaraang pagsasaksakin ng seloso nitong ka-live-in sa kanilang bahay sa Barangay Sinaloc, El Salvador City sa Misamis Oriental kamakalawa ng gabi. Walong saksak gamit ang matalim na gunting ang tumama sa katawan ng biktimang si Jonalyn Mantos na kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa impluwensya ng alak ang suspek na kinilala sa alyas Bong na nasakote sa follow-up operations ng pulisya. Sa ulat ni P/Inspector Michael Lacasan, deputy chief of police ng El Salvador City, ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng saksak  sa likurang bahagi ng katawan, mata at iba pa. Nabatid na  nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magka-live-in dahil sa matinding selos. 

BARANGAY SINALOC CITY EL SALVADOR CITY INSPECTOR MICHAEL LACASAN JONALYN MANTOS KATAWAN MISAMIS ORIENTAL NABATID WALONG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with