_ngayon
^

Mag-asawang lider ng NPA, arestado

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2014 - 12:00am

BULACAN, Philippines  - Arestado ang mag-asawang lider ng rebeldeng New People’s Army sa inilatag na operas­yon sa bayan ng Arayat, Pampanga kamakalawa ng hapon.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Agaton Topacio, 63; at Eugenia Topacio, 64, kapwa nakatira sa Barangay San Antonio, bayan ng Mexico, Pampanga.

Si Agaton ay gumagamit ng mga alyas na Ka Tony, Ka Eli, Ka Cosme, Ka Boy habang si Eugenia naman ay may mga alyas Ka Lourdes Quioc, Ka Deck, Ka Ana, Ka Bes, Ka Leny, at Ka Wilma.

Ang mag-asawa na isinailalim sa dalawang linggong pagmamatyag ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Victoria Villalon-Fornillos ng Malolos City Regional Trial Court Branch 10 sa mga kasong murder at walang inirekomendang piyansa.

Sa tala ng pulisya,  ang dalawa ay sinasabing nasa likod ng pagpatay kina ex-Rep. Rodolfo Aguinaldo ng Cagayan; Romulo “Ka Rolly” Kintanar, Felimon “Ka Popoy “ Lagman, Arturo Tabara at ang pagsunog sa 12 Victory Liner Bus Inc. noong Sept. 2011.

AGATON TOPACIO ARTURO TABARA BARANGAY SAN ANTONIO EUGENIA TOPACIO JUDGE VICTORIA VILLALON-FORNILLOS KA ANA KA BES KA BOY KA COSME KA DECK KA ELI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with