^

Guro tiklo sa buy-bust

Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2014 - 12:00am

CAMARINES NORTE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 44-anyos na guro makaraang masakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at lokal na pulisya sa Barangay Sto. Domingo, bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Ruben Dalit Padua Jr. ang suspek na si Tirzo Duran ng Barangay Duran, bayan ng Balatan, Camarines Sur. Nabatid na isinailalim sa surviellance ang suspek saka inilatag ang operasyon. Nasamsam sa suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu, drug paraphernalias at ang P500 marked money na ginamit sa buy-bust.

BALATAN BARANGAY DURAN BARANGAY STO CAMARINES SUR CHIEF INSP DOMINGO DRUG ENFORCEMENT AGENCY NABATID RUBEN DALIT PADUA JR. TIRZO DURAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with