101-anyos na lola nalitson sa sunog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang 101- anyos na lola makaraang makulong ito ng apoy sa loob ng nasusunog nilang bahay sa St. Michael Road, Brgy. Kasambagan, Cebu City, kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Juanita Arcaya, na halos nagmistulang uling na ang katawan ng marekober ng mga bumberong nagresponde sa lugar. Sa ulat ng Cebu City Fire Marshal, naganap ang insidente sa nasabing lugar dakong alas-10 ng umaga. Nabatid na nagulantang na lamang ang mga kapitbahay ng matanda ng makitang nababalutan ng malaking apoy at makapal na usok ang buong kabahayan. Pinaniniwalaan namang nakatulog ang matanda habang nagsisigarilyo ng tabako kaya nabigong makalabas ng kaniyang tahanan at bukod dito ay hirap na rin itong kumilos at mahina na ang katawan. Sa pahayag ng apong lalaki ng biktima na si Redney Palompon, bumili umano siya ng pagkain  na pansamantalang iniwan ang kaniyang lola ng maganap ang insidente. Naapula naman ang apoy matapos na magresponde ang mga bumbero pasado alas-11 ng tanghali. Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

BRGY CEBU CITY CEBU CITY FIRE MARSHAL JUANITA ARCAYA KASAMBAGAN KINILALA NAAPULA NABATID REDNEY PALOMPON ST. MICHAEL ROAD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with