_ngayon
^

5-anyos lasog sa sagasa

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pisak ang katawan ng isang 5-anyos na batang lalaki makaraan itong masagasaan ng isang rumaragasang pampasaherong jeepney sa national highway ng Brgy. Matingain 1, Lemery, Batangas kamakalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa Batangas Provincial Hospital ang biktimang si Leon Cuevas, estudyante sa kinder  sa tinamo nitong mga sugat, pagkadurog ng buto at gasgas sa katawan sa pagkakasagasa.

Sa ulat ng Batangas Police, naganap ang insidente sa kahabaan ng highway ng nasabing lugar dakong alas-3:20 ng hapon.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyang bumabagtas sa national highway ng nasabing lugar  ang pampasaherong jeepney (DXX 723) na minamaneho ni Leonardo Par, 59 anyos nang mangyari ang sakuna.

Bigla na lamang uma­nong nagtatakbo sa pagtawid ang bata na tuluy-tuloy na nasagasaan ng humahagibis na jeepney na ga­ling sa bayan ng Lemery at patungong Calaca.

Inaresto naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang driver ng jeepney na ngayon ay nahaharap sa kasong criminal.

BATANGAS BATANGAS POLICE BATANGAS PROVINCIAL HOSPITAL BIGLA BRGY CALACA LEMERY LEON CUEVAS LEONARDO PAR
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with