^

6-anyos patay sa nilarong baril­

Joy Cantos at Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng kamata­yan ng 6-anyos na totoy ang paglalaro nito ng baril na inakalang laruan matapos na aksidenteng pumutok na sumapol sa kaniyang dibdib sa bayan ng La Trinidad, Benguet kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay  P/Senior Insp. Anderson Mauricio, kinilala ang biktima na si Clezar Jones Mangoyao, grade 1 pupil sa Central Buyagan Elementary School at  anak ng mag-asawang negosyanteng sina Clifford Mangoyao, 45; at Leticia Mangoyao, 45.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa bahay ng ina ng biktima sa ikatlong palapag ng Room 1 ng Cecilia Beding Densen’s Apartment sa JC 281 A, KM 5 sa Barangay Pico.

Nabatid na ang mag-asawa ay hiwalay na at ang bata ay nasa kustodiya ng kaniyang ina.

Napag-alamang naglalaro ang bata sa loob ng silid nito nang mapansin ang plastic hook ng book tray ang nakapatong na baril na inakala nitong laruan.

Kaagad na inabot ng bata na tumuntong pa sa silya at kinuha ang homemade cal. 22 paltik at pinaglaruan ito.

Gayon pa man, biglang pumutok ang baril na naglagos sa likurang bahagi ng katawan nito na bagaman naisugod sa Benguet Gene­ral Hospital ay namatay din ito.

Sa salaysay ni Leticia, sinabi nito na ang nasabing baril ay pag-aari ng kaniyang kaibigang si Dave Denver Tindo ng Bakun, Benguet na inihabilin at ipinatago lamang sa kaniya.

Pinag-aaralan ng pulisya ang kasong isasampa laban sa may-ari ng baril.

 

ANDERSON MAURICIO BARANGAY PICO BENGUET BENGUET GENE CECILIA BEDING DENSEN CENTRAL BUYAGAN ELEMENTARY SCHOOL CLEZAR JONES MANGOYAO CLIFFORD MANGOYAO DAVE DENVER TINDO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with