Anak ng ex-vice gov. dinedo sa resto bar
Francis Elevado at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napatay ang 30-anyos na anak ng dating bise gobernador ng Masbate matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa resto bar habang napaslang naman ang gunman na dinaluhong ng saksak ng isa sa kampo ng una sa Barangay F. Magallanes, Masbate City, Masbate kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Carl Michael Reyes, officer in charge ng Masbate Police Office ang napaslang na biktimang si Enrico Amante Legaspi IV, negosyante at anak ni ex-Masbate Vice Gov. Enrico Amante Legaspi III.

Naganap ang pamamaril sa Hum Cap Resto Bar sa kahabaan ng Quezon Avenue sa nabanggit na barangay habang kasama ng biktima ang mga kaibigan at kamag-anak nito nang biglang lapitan at barilin  ng suspek na si Arnel Layson, 34, ng Granada Street, Barangay Valencia, Quezon City at tubong Barangay Libag, bayan ng Aroroy, Masbate.

Sa matinding galit naman ng hindi pa natukoy na lalaki na mula sa kumpulan ng mga taong nasa loob ng resto bar na dinaluhong ng sunud-sunod na saksak si Layson hanggang sa mapatay.

Nagawa pang maisugod sa Masbate Doctors Hospital ang negosyante pero napatay din dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib habang ang gunman nito ay  namatay naman habang ginagamot sa Masbate Provincial Hospital.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng cal. 45 pistol, dalawang magazine ng cal. 45 pistol, balisong, at mga basyo ng cal. 9mm.

ARNEL LAYSON BARANGAY F BARANGAY LIBAG BARANGAY VALENCIA CARL MICHAEL REYES ENRICO AMANTE LEGASPI GRANADA STREET HUM CAP RESTO BAR MASBATE MASBATE CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with