Bus vs bike: 2 pisak

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2014 - 12:00am

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Patay ang magkaangkas sa motorsiklo makaraang salpukin ng pampasaherong bus sa intersection ng highway sa Barangay Calaocan, bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Prince Paul Jose, 27; at Joanne Cubero na kapwa nakatira sa Barangay Buag habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus na si Ronald De Luna, 50, ng Catotoran, Calamaniugan, Cagayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungo sa Cagayan ang Florida Bus Line (UWC-642) ni De Luna mula sa Manila nang masalpok ang motorsiklo ng mga biktima na nakaladkad pa ng ilang metro pagsapit sa nasabing lugar.

 

BAMBANG BARANGAY BUAG BARANGAY CALAOCAN CALAMANIUGAN CATOTORAN DE LUNA FLORIDA BUS LINE JOANNE CUBERO NUEVA VIZCAYA PRINCE PAUL JOSE RONALD DE LUNA
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with