9-anyos nabaril ng tiyuhin
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang 9-anyos na nene makaraan itong aksidenteng mabaril ng kaniyang tiyuhin sa Purok 6, Barangay Recodo, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Kasalukuyang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center ang biktimang si Satra Muhmin na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan na naglagos sa likuran. Pinaghananap naman ng pulisya ang suspek na si Ta­lingan Andan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naglilinis ng baril ang suspek nang aksidenteng pumutok ang baril nito na tumama sa sariling pamangkin na naglalaro. Gayon pa man, sa halip na sumuko ay tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

 

ANDAN BARANGAY RECODO CAMP CRAME GAYON KASALUKUYANG PINAGHANANAP SATRA MUHMIN ZAMBOANGA CITY ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with