Pulis dinedo sa bahay ng ka-live-in
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2014 - 12:00am

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinabulagta ang 29-anyos na bagitong pulis makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa pintuan ng bahay ng kanyang ka-live-in sa Barangay Lahong, bayan ng Baleno, Masbate noong Sabado ng gabi.

Napuruhan sa batok ang biktimang si PO1 Vaven Val­demoro Laurio, biyudo, at nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Aroroy.

Base sa ulat ni PO3 Ruel Caballero, lumilitaw na nakatayo ang biktima sa harapang pintuan ng bahay ng kanyang ka-live-in na isang guro sa Lahong High School nang lapitan at barilin sa batok ng gunman. Kaagad na lumabas ng bahay ang ka-live-in ng biktima kung saan bumulaga sa kanya ang duguang katawan ng pulis.

Narekober sa crime scene ang service firearm ng biktima at ilang bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

AROROY BALENO BARANGAY LAHONG KAAGAD LAHONG HIGH SCHOOL LAURIO MASBATE RUEL CABALLERO VAVEN VAL
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with