Pulis namboso, dinedo
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2014 - 12:00am

COTABATO CITY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng bagitong pulis na sinasabing namboso ng isang babae makaraang pagtatagain ng mga miyembro ng kulto sa Barangay Making sa bayan ng Parang, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Aabot sa 20 miyembro ng grupong Pulahan ang kasalukuyang naka-detained sa himpilan ng pulisya sa nasabing bayan matapos mapatay ang biktimang si PO1 Rahid Gadi. Sa inisyal na impormasyon, sinasabing bitbit ang mga itak at suot na anting-anting ng nasabing grupo at sinugod ang bahay ng biktima sa nasabing barangay. Nabatid na ikinagalit ng grupo ang ginawang pambuboso ng biktima sa isa sa kanilang kasamahang babae. Sa nakalap na impormasyon, ilang miyembro ng grupo ang kasalukuyang nasa pagamutan sa Cotabato City matapos masugatan sa inilatag na operasyon ng pulisya. Pinayapa naman ni Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Rodelio Jocson ang publiko na wala ng dapat ipangamba sa kumalat na ulat na maghahasik ang karahasan ang nasabing kulto.

AABOT BARANGAY MAKING COTABATO CITY MAGUINDANAO NABATID NASABING PINAYAPA RAHID GADI RODELIO JOCSON SENIOR SUPT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with