^

Army binantaan, nag-suicide

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 34-anyos na sundalo ng Phil. Army na sinasabing nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay matapos itong magbaril  sa sarili sa detachment ng militar sa Barangay San Juan, bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi. Nakilala ang sundalo na si Corporal Rey Lumangaya, nakatalaga sa 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army. Base sa police report, nagbaril sa ulo ang biktima habang tulog ang kanyang asawa’t mga anak sa tinutuluyang kuwarto sa nasabing detachment ng Army. Nabatid na bago isagawa ng biktima ang suicide ay nakatatanggap ito ng pagbabanta sa hindi kilalang texter habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ARMY BARANGAY SAN JUAN BIKTIMA CORPORAL REY LUMANGAYA INFANTRY BATTALION MANDAON MASBATE NABATID NAKILALA PATAY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with