_ngayon
^

Preso nakatakas sa ospital

Ed Casulla at Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Nalalagay sa balag ng ala­nganing masibak sa tungkulin ang dalawang pulis matapos makatakas ang 34-anyos na preso na kanilang binabantayan sa Camarines Norte Provincial Hospital kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang pinaghahanap ang tumakas na si Melvin Bobis Pajarillo, may kasong 15 counts ng rape at nakatira sa Purok 3, Barangay Asdum sa bayan ng San Vicente, Camarines Norte. Sa ulat ng pulisya, nagpaalam si Pajarillo sa dalawang pulis para magtungo sa palikuran subalit hindi na ito bumalik pa sa kanyang higaan. Nabatid na si Pajarillo ay isinugod sa nasabing ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan kung saan ayon sa pagsusuri ng mga doktor ay kinakailangang ma-confine. Subalit sinamantala ng preso ang pagkakataong tumakas kung saan nalalagay sa alanganin sina PO3 Virgilio Casilao at PO2 Levi Azucena.

ALBAY BARANGAY ASDUM CAMARINES NORTE CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL KASALUKUYANG LEVI AZUCENA MELVIN BOBIS PAJARILLO PAJARILLO SAN VICENTE VIRGILIO CASILAO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with