^

Probinsiya

Mestisahin ni-rape slay sa palayan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit isang di-kilalang babae na pinaniniwalaang hinalay muna saka pinagsasaksak ng isang di-kilalang lalaki sa liblib na palayan sa Barangay Sapang sa bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga.

Walang natagpuang pagkakakilalan sa biktimang nasa 20 hanggang 25-anyos, mestisahin, may 5’4” ta­lampakang taas, at naka-abuhing palda, t-shirt, may berdeng kuwintas at asul na tsinelas.

Ayon kay PO2 Ferdie Santos, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa palayan dakong alas-10 ng umaga.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng ilang saksak sa leeg at batok ang biktima. Narekober din sa crime scene ang screw driver, mahabang kadena at panty ng biktima.

Pinaniniwalaan namang adik sa bawal na droga ang pangunahing suspek sa naganap na krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon

 

AYON

BARANGAY SAPANG

BULACAN

CALUMPIT

FERDIE SANTOS

NAREKOBER

PINANINIWALAAN

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with