^

Probinsiya

5 dedo sa karambola ng motorsiklo

Ed Casulla, Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Lima-katao ang namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan matapos magkarambola ang apat na motorsiklo sa magkahiwalay na sakuna sa Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Goa Municipal Infirmary Hospital ang mga biktimang sina Archie Bun­dag, 20; at Micahel Borado ng Barangay Payatan habang malubha naman si Ian Co­ralde, 19, na angkas sa motor­siklo ni Borado.

Sa police report, lumilitaw na nagsalpukan ang mga motorsiklo nina Bundag at Borado sa kahabaan ng highway sa Barangay Abucayan sa bayan ng Goa, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Samantala, namatay naman ang mag-amang Sanito Galang Jr, 44; at Santino Galang, 4, habang malubha ang misis na si Amy Galang, 38, makaraang makasalpukan ang motorsiklo ni Leonel Chavez na namatay din.

Naganap ang trahedya sa kahabaan ng KM10 sa Barangay Carolina, Naga City kamakalawa ng gabi.

AMY GALANG

ARCHIE BUN

BARANGAY ABUCAYAN

BARANGAY CAROLINA

BARANGAY PAYATAN

BORADO

CAMARINES SUR

GOA MUNICIPAL INFIRMARY HOSPITAL

IAN CO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with