Naaagnas na bangkay nalambat
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2014 - 12:00am

Batangas, Philippines — Nagulantang ang mga residente matapos na isang nagsi­simula ng maagnas na bangkay na nakagapos pa ng kable sa paa, leeg at mga kamay ang natagpuan sa lawa ng Tanauan City ng lalawigan kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, ang nasabing bangkay na ina­alam pa ang pagkakakilanlan ay may taas na 5’6’’ at tinatayang nasa pagitan ng 30-35 taong gulang.

Nakasuot ang biktima ng kulay itim na t-shirt, kulay kayumanggi at maroon na boxer short.

Bandang alas-6 ng umaga­ nang malambat ng mangingisdang si Romel Adan  ang nasabing bangkay habang nangingisda ito sa nasabing lawa.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

BANDANG BANGKAY NAGULANTANG NAKASUOT NASABING PATULOY ROMEL ADAN SHY TANAUAN CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with