SUV vs dyipni: 1 patay, 9 sugatan
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2014 - 12:00am

CAVITE, Philippines - - Patay ang 19-anyos na estudyante hang siyam naman ang sugatan makaraagn magsalpukan ang SUV at pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Anabu 2-A, Imus City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ang namatay na estudyante na Anvil Velarde, driver ng Toyota RAV4 (21270) at nakatira sa Parañaque City habang sugatan naman ang sakay nitong si Jessie John De Jesus, 24. Samantala, isinugod din sa ospital ang driver ng pampasaherong jeepney (NWK-803) na si Manuel Bayno Jr., 43; at pitong pasahero. Sa inisyal na ulat ng pulisya,  lumilitaw na biglang kumabig ang SUV ni Velarde kaya sumalpok sa kasalubong na jeepney. Lumalabas din sa imbestigasyon na sinasabing nangangamoy alak si Velarde na pinaniniwalaang nakainom kaya naganap ang sakuna.

AGUINALDO HIGHWAY ANVIL VELARDE BARANGAY ANABU CAVITE IMUS CITY JESSIE JOHN DE JESUS KINILALA MANUEL BAYNO JR. VELARDE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with