^

Wanted na 85-anyos lolo, arestado

Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2014 - 12:00am

CAMARINES NORTE , Philippines   - Nagwakas ang labing-apat na taong pagtatago sa batas ng 85-anyos na lolo na sinasabing wanted sa kasong murder noong 2000 makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya  sa Sitio Pakili, Barangay La Purisima sa bayan ng Bula, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Hindi na nagawang makatakas pa ng suspek na si Leonilo Padrigone matapos na masorpresa sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas  ni Judge Nilo Malayaon ng Pili Regional Trial Court Branch 31 sa Camarines Sur. Nabatid na inakala ng suspek na ligtas na siya sa kasong murder kaya palihim na umuwi subalit natiktikan ng mga awtoridad. Sa tala ng pulisya, ang suspek ay ika-5 most wanted person sa bayan ng Bula at walang inirekomendang piyansa sa pansamantalang kalayaan.

 

 

BARANGAY LA PURISIMA BULA CAMARINES CAMARINES SUR JUDGE NILO MALAYAON LEONILO PADRIGONE NABATID NAGWAKAS PILI REGIONAL TRIAL COURT BRANCH SITIO PAKILI
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with