_ngayon
^

Probinsiya

3 Abu Sayyaf, 2 CVO’s utas sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang ang Commander ng mga bandido at dalawang Civilian Volunteer Organization (CVO’s ) ang napaslang habang pito naman ang nasugatan sa bakbakan ng magkabilang panig sa Ungkaya Pukan, Basilan, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Lt. Col Jose Paolo Perez, Commander ng Army’s 18th Infantry Battalion (IB) sa tanggapan ni AFP Western Mindanao Command Lt. Gen. Rustico Guerrero, kinilala ang nasawing lider ng mga bandido na si Sulaiman Ajanti, alyas Commander Ulay.

Bukod kay Ulay napatay din sa engkuwentro ang dalawa nitong tauhan na nakilalang sina Damman Hasalal at Jakaria Kulok. Dalawa naman  ang napaslang mula sa CVO’s na force multiplier ng Army’s 18th Infantry Battalion (IB) na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan.

Kabilang naman sa mga nasugatan ay ang mga CVO’s na sina Adzmin Hasalan at Ummak Kidok habang lima ang sugatan sa panig ng mga bandido.

Bandang ala-1 ng hapon ng maglunsad ng operasyon ang dalawang platoon ng 18th IB katuwang ang grupo ng mga CVO’s laban sa grupo ni Commander Ulay sa Sitio Bauno Magpasong, Brgy. Sungkayot, Ungkaya Pukan ng lalawigan.

Nagkaroon ng 20 minutong putukan sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ni Commander Ulay at ng dalawa nitong tauhan.

Nabatid na ang operasyon ay inilunsad upang masugpo ang nalalabi pang grupo nina Ulay na sangkot sa kidnapping for ransom.

Sa tala ang grupo ni Ulay ay sangkot sa pagdukot sa mag-inang US citizens na sina Gerfa Yeatts Lunsmann at  anak nitong si Kevin Eric noong Hulyo 12, 2012 habang nagbabakasyon sa Sta Cruz Island, Zamboanga City. Ang mag-ina ay dinala at itinago ng mga bandido sa Basilan kung saan magkahiwalay ang mga itong nakalaya matapos ang ilang linggo.

Samantalang ang grupo rin ni Ulay ang responsable sa pagbihag sa social worker na si Jennelyn Luna sa Sumisip, Basilan noong 2013.

ADZMIN HASALAN BASILAN CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION COL JOSE PAOLO PEREZ COMMANDER ULAY INFANTRY BATTALION ULAY UNGKAYA PUKAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with