Sarhento utas sa Cafgu
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2014 - 12:00am

SANTIAGO CITY,Isabela, Philippines – Napatay ang sarhento ng Philippine Army matapos barilin ng kabarong sundalo ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) sa kanilang kampo sa bayan ng Maria Aurora, Aurora, ayon sa ulat kahapon. Naisugod pa sa Premiere General Hospital sa Barangay Suklayin subalit idineklarang patay si Sgt. Jimmy Fagyon, detachment commander ng Philippine Army na nakabase sa Barangay Punglo sa nasabing bayan.Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Freddie Rivera ng Barangay Suguit sa nabanggit na bayan. Napag-alamang nagkainitan ang dalawa kaya humantong sa pamamaril ng suspek habang patuloy naman ang imbestigasyon.

BARANGAY PUNGLO BARANGAY SUGUIT BARANGAY SUKLAYIN CAFGU CITIZEN ARMED FORCE GEOGRAPHICAL UNIT FREDDIE RIVERA JIMMY FAGYON MARIA AURORA NAISUGOD PHILIPPINE ARMY PREMIERE GENERAL HOSPITAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with