_ngayon
^

Espiya ng militar at pulisya dedo sa mga rebelde

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines - - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang mister na pinaghinalaan na tiktik ng militar at pulisya sa kamay ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA)  nang ay pagbabarilin kahapon ng madaling araw sa Sitio Luba, Barangay Guindahap, Monreal, Masbate.

Nakilala ang biktima na si Jessie Habla 48, may asawa , mangingisda at residente ng naturang lugar.

Ayon sa pulisya, pinatay ang biktima dakong alas 4:30 ng madaling araw habang natutulog sa loob ng kanyang bahay. Bigla na lang umanong dumating ang mga ‘di kilalang suspects at pinasok ang bahay ng biktima at saka ito binitbit palabas.

Nang makalayo ng may 150-metro mula sa bahay ay saka ito pinaliguan ng bala.

Nabatid na ang biktima ang pinaghihinalaang nagturo sa mga awtoridad para maaresto ang isang kinilalang Divina Atijan alyas Tiying na isa rin umanong rebelde, ilang buwan na ang nakararaan.

Matapos ang ginawang pamamaslang ng mga rebelde ang mga ito ay kaswal na tumakas at iniwan  ang bangkay ng biktima. Patuloy naman na iniimbestigahan ang nasabing insidente.

AYON BARANGAY GUINDAHAP BIGLA DIVINA ATIJAN JESSIE HABLA MASBATE MATAPOS MONREAL NEW PEOPLE SITIO LUBA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with