Ama pinatay sa harap ng mag-ina
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2014 - 12:00am

CAMARINES NORTE, Philippines - Kalungkutan ang sumalubong sa selebrasyon ng Father’s Day makaraang pagbabarilin at mapatay ng akyat-bahay ang padre de pamilya sa harap ng kanyang mag-ina sa Barangay Causip, bayan ng Bula, Camarines Sur, kamakalawa ng madaling araw. Sa im­bestigasyon ng pulisya,  nabatid na nagising ang biktimang si Rogelio Valle sa sunud-sunod na kahol ng alagang aso kaya agad nitong inusisa kasama ang kanyang mag-inang Maria at Arnel. Nagulat na lamang ang biktima at ang kanyang mag-ina nang biglang bumulaga sa kanila ang tatlong maskaradong lalaki na nakapasok sa kanilang bakuran. Gayon pa man, nanlaban ang biktima para ipagtanggol ang mag-ina subalit niratrat siya sa harap mismo ng kanyang asawa’t anak. Tangay ng akyat-bahay ang malaking halaga ng pamilya Valle habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ARNEL BARANGAY CAUSIP BULA CAMARINES SUR GAYON KALUNGKUTAN NAGULAT ROGELIO VALLE TANGAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with