_ngayon
^

Indian national todas sa pamamaril

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, ALBAY - Isang Indian national ang nasawi nang pagbabarilin ng ‘di ikilalang suspek habang abala sa paniningil ng kanyang mga pautang sa Barangay Bagumbayan, Ligao City kamakalawa.

Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang biktima na  si Harpreet Signh, 34, negosyante at residente ng Doan Maria Subdivision, Barangay Tagas, Daraga, Albay.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon habang naglalakad ang biktima nang lapitan umano ng  isang lalaki na armado ng kalibre .45 pistola at bigla na lamang siyang pinagbabaril. Katatapos lamang umanong mangolekta ang biktima ng kanyang mga pautang na negosyong “five six” sa ilang mga residente ng naturang barangay nang tambangan ng salarin.

Patungo pa sana ang biktima sa isa pa niyang suki upang maningil nang paulanan siya ng bala ng suspek.  

 

 

ALBAY BARANGAY BAGUMBAYAN BARANGAY TAGAS DARAGA DOAN MARIA SUBDIVISION HARPREET SIGNH ISANG INDIAN KATATAPOS LIGAO CITY PATUNGO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with