Ina kinatay ng anak
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2014 - 12:00am

CAMARINES NORTE , Philippines   â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 65-anyos na ina makaraang pagtatagain ng sari­ling anak na lalaki na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip kamakalawa ng gabi sa Barangay San Pablo, bayan ng Calabanga, Camarines Sur. Kinilala ang napatay na si Henrietta Pojo habang nasakote naman ang suspek na si Joseph Pojo, 31, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report, natutulog ang biktima nang pasukin sa kuwarto ng kanyang anak na sinasabing sinumpong sa pag-iisip. Pinagtataga ng suspek ang kanyang ina  na nagmamakaawa sa kanyang harapan na sinasabing narinig ng ilang kapitbahay. Nasa pangangalaga na ng Calabanga PNP ang suspek at inihahanda na ang kasong parricide habang ito ay isasailalim sa pagsusuri.

BARANGAY SAN PABLO CALABANGA CAMARINES SUR HENRIETTA POJO JOSEPH POJO KANYANG KINILALA PINAGTATAGA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with