Councilor, misis tiklo sa droga
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2014 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines  -  Kulungan ang binagsakan ng municipal councilor at asawa nito matapos arestuhin ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilatag na drug bust operation sa bayan ng Matanog, Maguindanao kahapon.

Ayon kay PDEA-ARMM regional director Filemon Ruiz, aabot sa 20 gramo ng shabu ang nasamsam sa mga suspek na sina Matanog Municipal Councilor Nazer Buwat at Tarhata Buwat sa mismong bahay ng dalawa.

Nakumpiska rin ang isang M-16 Armalite Rifle, dalawang cal. 45 pistol,  mga bala at drug paraphernalias.

Sa tala ng PDEA, kabilang si Councilor Buwat sa 12 target sa listahan ng PDEA-ARMM habang nasa watchlist naman ang asawa nito kung saan kumpirmadong sangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga sa nasa­bing lugar.

Naaresto ang mag-asawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng Regional Trial Court Branch 13.

 

ARMALITE RIFLE AYON COUNCILOR BUWAT DRUG ENFORCEMENT AGENCY FILEMON RUIZ JUDGE BANSAWAN IBRAHIM KULUNGAN MATANOG MUNICIPAL COUNCILOR NAZER BUWAT REGIONAL TRIAL COURT BRANCH TARHATA BUWAT
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with