3-anyos patay sa sunog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng 3-anyos na nene makaraang makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay na tumupok din sa 30 kabahayan sa Barangay Kasanyangan, Zambo­anga City, Zamboanga del Sur noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala sa pangalang Bambi ang biktima na halos hindi na makilala ang bangkay matapos itong magmistulang uling sa pagkasunog. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Robert Ortega, bandang alas-3 ng hapon nang magsimulang  masunog ang bahay ni Majad Irang kung saan kumalat ang apoy sa mga katabi nitong kabahayan na gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Nabatid na ang biktima ay naiwang natutulog sa kanilang tahanan na nabigong mailigtas dahil masyadong malaki ang apoy.

Naapula naman ang apoy bandang alas- 5 ng hapon matapos rumes­ponde ang mga bumbero.

Pinaniniwalaang electric short circuit ang isa sa dahilan ng sunog matapos na mawalan ng kuryente at bigla itong manumbalik.

BAMBI BARANGAY KASANYANGAN KINILALA MAJAD IRANG MIYERKULES NAAPULA NABATID ROBERT ORTEGA SENIOR INSP
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with