Alkalde, escort sugatan sa pagsabog
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2014 - 12:00am

SULTAN KUDARAT, Philippines - Sugatan ang alkade ng Lebak Sultan Kudarat at escort nito matapos sumabog ang bomba na itinanim sa gilid ng munisipyo sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Joel Martinez, hepe ng Lebak PNP ang mga biktima na si Lebak Mayor Dionisio Besana at escort nito na si P02 Vislli Reyes. Lumilitaw na palabas na sana ng munisipyo si Mayor Besana kasama ang bodyguard nito nang bigla na lamang sumabog ang bomba na nakalagay sa mga nakaparadang motorsiklo malapit sa opisina ng alkalde. Kaagad namang rumesponde ang mga operatiba ng pulisya kung saan naisugod naman sa ospital sina Mayor Besana at Reyes. Kinumpirma naman P/Senior Supt. Rex Dela Rosa na nasa maayos ng kalagayan sina Mayor Besana at Reyes habang patuloy naman ang imbestigasyon.

JOEL MARTINEZ LEBAK LEBAK MAYOR DIONISIO BESANA LEBAK SULTAN KUDARAT MAYOR BESANA REX DELA ROSA REYES SENIOR INSP SENIOR SUPT SULTAN KUDARAT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with