Aleman kinatay sa tindahan

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2014 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 62-anyos na Aleman habang kritikal naman ang ka-live-in nito matapos pagtatagain ng dating nobyo ng babae kamakalawa ng hapon sa Barangay San Jose, bayan ng Lallo, Cagayan. 


Sa police report na nakarating kay Cagayan Valley PNP director P/Chief Supt. Miguel Laurel, kinilala ang napatay na si Jacob Yesudas Choorapoikayil habang malubha naman ang nobya nitong si Emalyn Jerusalem, 37, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Pinaghahanap naman ang suspek na si Alex Comador, 39, obrero, at dating nobyo ni Emalyn.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakipag-inuman muna ang suspek sa kanyang mga kaibigan bago pumasok sa bahay ng magka-live-in.

Nanlaban ang aleman kaya pinagtataga ng suspek kung saan bagamat sugatan ay nagawa ni Jerusalem na makalabas ng bahay at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay bago ito nawalan ng ulirat.

Isinugod si Jerusalem sa Matilde Olivad General Hospital sa karatig bayan ng Camalaniugan habang tinutugis naman ang suspek.

ALEMAN ALEX COMADOR BARANGAY SAN JOSE CAGAYAN VALLEY CAMALANIUGAN CHIEF SUPT EMALYN JERUSALEM JACOB YESUDAS CHOORAPOIKAYIL MATILDE OLIVAD GENERAL HOSPITAL MIGUEL LAUREL
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with