^

Probinsiya

Wanted, 3 pa timbog sa droga

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Apat na kalalakihan kabilang ang isang may nakabimbing kaso ang naaresto ng pulis­ya matapos na maaktuhan ang mga ito na nagsasagawa ng  pot session sa loob ng isang bahay sa Brgy.Poblacion, Bustos, Bulacan kahapon.

Hindi na nakapalag pa ng masakote ang mga suspek na sina Ronaldo “Mukha” Escalona, 32, wanted sa kasong  frustrated homicide; Ian Samson, 33; Reynald Salmo, 31, pawang mga residente ng Little Baguio, Brgy. Pob­lacion sa Baliwag at Edwin Ramos 32 ng Sitio Mahar­lika, Brgy. Poblacion sa bayan ng Bustos.

Base sa ulat ni P/C Insp. Isagani Enriquez dakong alas-5:10 ng hapon ay isang impormante ang nag­ulat hinggil sa presensya ni Escalona sa bisinidad ng bahay ni Ramos sa Brgy. Poblacion, Bustos at ilang sandali pa ay pumasok na ito saka sinundan ng pulisya.

Dito na naaktuhan ang apat na nagsasagawa ng pot session at nakarekober din ng ilang gramo ng shabu at mga drug paraphernalias habang kaagad ding dinala si Escalona sa sala ni Hon. Judge Hermi­nigildo Dumlao ng RTC Br. 81 sa Malolos City upang ibalik ang Warrant of Arrest.

BRGY

C INSP

EDWIN RAMOS

ESCALONA

IAN SAMSON

ISAGANI ENRIQUEZ

JUDGE HERMI

LITTLE BAGUIO

MALOLOS CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with