^

Probinsiya

Principal dinedo ng mister na pulis

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

TACURONG CITY, Philippines – Binaril at napatay ang isang misis ng kanyang mister na pulis makaraang mag-away sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tual, Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Gary Marfil, hepe ng President Quirino PNP ang biktima na si Saligyn Pabustan-Ortiz, punong guro ng Griño Ele­mentary School sa Barangay Gansing, Tacurong City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kanilang kabaro na si PO3 Jonathan Ortiz ng Sultan Kudarat PNP Provincial Office.

Ayon kay Marfil, nagkainitan muna ang mag-asawa sa pagtatalo dahil sa away sa pamilya kung saan nagalit ang suspek kaya naganap ang pamamaril.

Ayon P/Supt. Marvin Fontalva, head officer ni PO3 Ortiz, na may standing order din sa mga kasamahan ng suspek na arestuhin ito sakaling magpakita sa kanila.

AYON P

BARANGAY GANSING

BARANGAY TUAL

GARY MARFIL

JONATHAN ORTIZ

MARVIN FONTALVA

PRESIDENT QUIRINO

PROVINCIAL OFFICE

SALIGYN PABUSTAN-ORTIZ

SULTAN KUDARAT

TACURONG CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with