Mag-asawa kinatay; 19-anyos apo hinalay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asa­wang matanda matapos pagsasaksakin ng dalawang di-kilalang lalaki na nanloob sa kanilang bahay ay hinalay pa ang 19-anyos nilang apo sa Masbate City, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang dalawang matanda na sina Ediologio Verano, 78; at Nelly Verano, 67, habang itinago naman sa pangalang Judy ang apo ng mag-asawa na halos tulala pa nang magsuplong sa pulisya.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Edwin Adora, hepe ng Masbate City PNP,  naganap ang krimen bandang alas-6 ng umaga matapos na pasukin ng dalawang armadong lalaki ang bahay ng mag-asawang matanda sa bulubunduking bahagi ng Purok 6 sa Barangay Visiting.

Isa sa mga kawatan ay may takip sa mukha na may taas na 5’4  at ang kasama nito ay may taas na 5’7 talampakan na sinasabing humalay  sa dalaga.

Ang insidente ay ipinaabot sa himpilan ng pulisya ni Judy na sinamahan ng mga kamag-anak bandang alas-9 ng umaga matapos na tumkas ang mga suspek.

Nabatid na pumalag ang dalawang matanda sa mga suspek kaya pinagsasaksak saka tinangkay ang isang cell phone at P3,000 na nakatago sa aparador.

Samantala, hindi pa na­kuntento sa ginawang krimen sa mag-asawang matanda ay ginahasa pa ang dalagang apo bago nagsitakas.

Lumilitaw sa beripikas­yon ng pulisya na ang suspek na gumahasa sa dalaga ay kalimitang dumarayo sa sayawan sa bayan ng Baleno kung saan halos ayaw tantanan sa indakan sa kabila ng may boyfriend ang dalaga.

BALENO BARANGAY VISITING CHIEF INSP EDIOLOGIO VERANO EDWIN ADORA ISA KINILALA MASBATE CITY NELLY VERANO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with