_ngayon
^

Probinsiya

Protesta vs Obama sa Maynila nauwi sa kaguluhan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nagkagirian ngayong Miyerkules ang mga pulis at ang mga raliyista sa harap ng embahada ng Estados Unidos sa Maynila.

Kinokontra ng grupo ang pagbisita ni US President Barrack Obama sa Pilipinas sa Lunes, Abril 28 at ang pagdami ng sundalong Amerikano sa bansa.

Tinangkang lumapit ng mga raliyista sa US embassy sa Roxas Boulevard ngunit hinarangan sila ng mga anti-riot police.

Nauwi sa tulakan, pukpukan ang eksena sa pagitan ng dalawang panig, hanggang sa binomba na ng tubig ang mga raliyista gamit ang mga fire truck ng Bureau of Fire Protection.

Ayon sa ulat ng Associated Press ay isang pulis ang nasapak ng isang raliyista ngunit walang naaresto.

Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko ang naturang kilos protesta na natapos nang magwakas ang programa ng mga raliyista.

Bukod sa Pilipinas ay bibisitahin din ni Obama ang Japan, South Korea at Malaysia.

ABRIL AMERIKANO ASSOCIATED PRESS BUREAU OF FIRE PROTECTION ESTADOS UNIDOS PILIPINAS PRESIDENT BARRACK OBAMA ROXAS BOULEVARD SOUTH KOREA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with