^

‘Drug pusher’ pinabulagta

Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2014 - 12:00am

CAMARINES NORTE, Philippines   - Itinumba ang  22-anyos na lalaki na sinasabing drug pusher habang tatlo nitong kasama ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki  sa bahagi ng Purok 5, Barangay Luklukan Sur, bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa  ng madaling araw. Kinilala ang napatay na si Jonathan Magdaong habang sugatan naman sina Jobel Auro, 31, ng Brgy 1, Daet, Camarines Norte; Daniel Ferrer, 56, ng Barangay Del Rosario sa bayan ng Mercedes; at si Noel Corbito, 41, ng Purok 6, Barangay Luklukan Sur. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na naganap ang pamamaril habang nagma-majhong ang mga biktima sa bahay ni Benjie Corbito. Narekober sa crime scene ang anim na pirasong plastic sachet ng shabu, cal. 45 pistol, at 3-simcard.

BARANGAY DEL ROSARIO BARANGAY LUKLUKAN SUR BENJIE CORBITO CAMARINES NORTE DANIEL FERRER JOBEL AURO JONATHAN MAGDAONG JOSE PANGANIBAN NOEL CORBITO PUROK
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with