^

Itinagong M-16 sa CPU nasabat sa Zambo airport

(Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2014 - 4:34pm

MANILA, Philippines – Naharang ng mga awtoridad kahapon ang isang kinalas na M-16 rifle na nakalagay sa loob ng central processing unit (CPU) ng isang computer sa Zamboanga International Airport.

Sinabi ni Inspector Jose Krispher Abas, hepe ng 9th Aviation Security Group's (AVG) intelligence unit, na nadiskubre ang nakatagong baril sa pre-departure area ng paliparan bandang alas-4 ng hapon kahapon.

Ililipad sana ang CPU sa bayan ng Bongao sa Tawi-Tawi.

Napag-alamanan na pinadala ang CPU ni Anuar Batus ng Pasig City at ipinadala kay Mega Jalon ng Bongao.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkakakilanlan nina Batus at Jalon.

ANUAR BATUS AVIATION SECURITY GROUP BATUS BONGAO ILILIPAD INSPECTOR JOSE KRISPHER ABAS JALON MEGA JALON NAHARANG PASIG CITY ZAMBOANGA INTERNATIONAL AIRPORT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with