Misis kinulam, nagbigti sa palikuran
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2014 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Sa paniniwalang kinukulam na nagresulta sa paglutang ng ibat’ ibang sakit sa katawan kaya nag­desisyon ang 33-anyos na misis na magpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa palikuran ng kanilang bahay sa Barangay Anabu 2-A, Imus City, Cavite kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Aniceta Pabillar y Balleras ng Citi Homes Subd. sa nasabing barangay.

Sa imbistigasyon ni PO3 Alan Reyes, lumilitaw sa mga salaysay ng ilang kaibigan at kaanak na may mga sakit na dumapo sa biktima kung saan di-maipaliwanag ang pinanggalingan kaya naging desperada ito.

Sinasabing kinukulam ang biktima na pinabulaanan naman ng ilang miyembro ng pamilya nito hanggang sa matagpuan  ng kasambahay ang bangkay ng kanyang amo na nakabigti sa pa­likuran.

ALAN REYES ANICETA PABILLAR BALLERAS BARANGAY ANABU CAVITE CITI HOMES SUBD IMUS CITY KINILALA SINASABING
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with